Richard, Lucy at Juliana
Richard, Lucy at Juliana
SALAMAT Ormoc Mayor Richard Gomez!

Hindi niya nakakalimutang mag-post sa aming Facebook account ng greetings tuwing may okasyon, kahit isa na siyang government official. Sabi nga niya, pahinga muna siya sa showbiz, pero ang friends niya sa showbiz, hindi niya nakakalimutan. Nag-post siya sa aming timeline ng picture nila ng wife niyang si Congresswoman Lucy Torres-Gomez at anak nilang si Juliana with Christmas greetings.

Dinaanan na naman ng malakas na bagyong Urduja ang Ormoc City at maging si bagyong Vinta ay nagbanta ring dumaan bago nag-Pasko, pero salamat sa Diyos, humina ito pero hindi pa nakakabawi ang constituents niya sa Urduja. Kaya binisita namin ang Instagram ni Mayor Richard, na may picture siyang nakasakay sa bangka at personal na nagdi-distribute ng relief goods.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

“The pouring rain did not hamper our desire to give the evacuees in brgys Lake Danao, Gaas, Tongonan, Cabaon-an and Milagro, something they can enjoy for their ‘noche buena’ this Christmas. Together with the members of the Ormoc Chamber of Commerce and Industry, we braved the strong rains with high spirits in sharing joy this season of giving and loving.”

Sa comments section, marami ang nagpasalamat sa tulong ni Mayor Richard sa kanyang mga kababayan. Salamat daw na siya ang naging mayor nila kaya masuwerte ang mga taga-Ormoc dahil pareho sila ni Cong. Lucy na may puso sila sa kanilang mga nasasakupan. --Nora Calderon