Luha ng pagdadalamhati ang dinaranas ngayon ng mga magulang ng isang tatlong taong gulang na babae sa pagsisimula ng Bagong Taon makaraang malagutan na ng hininga ang paslit matapos na aksidenteng mabaril ng sariling tiyuhin sa Valenzuela City, kamakailan.

Dakong 5:30 ng umaga nitong Disyembre 3 nang binawian ng buhay sa intensive care unit ng Valenzuela Medical Center si Andrea Taborda.

Nagtamo si Taborda ng tama ng bala ng shotgun sa ulo makaraang mabaril ng tiyuhin niyang si Reynaldo Loveras, ng Calle 11, Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Matatandang dakong 4:00 ng hapon nitong Disyembre 27 nang nag-away ang suspek at asawang si Sherina sa loob ng kanilang bahay hanggang kumuha ng shotgun si Reynaldo para takutin ang misis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pabagsak na ipinatong ni Reynaldo ang shotgun sa mesa pero biglang pumutok ito at tinamaan ang bata na noon ay bumibili ng yema sa kalapit na tindahan.

Dinala sa nasabing ospital ang bata pero binawian din ito ng buhay nitong Sabado.

Nadakip naman ang suspek sa follow-up operation sa isang motel sa Bagong Barrio, makaraang ituro ng misis ang kinaroroonan nito.

Dahil sa pagpanaw ng paslit, mula sa frustrated murder ay murder na nang magiging kaso ng suspek. - Orly L. Barcala