CONCEPCION, Tarlac – Tinangay ng kawatan ang isang tricycle sa Barangay San Nicolas Poblacion, Concepcion, Tarlac, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Joy Mary Figueroa, 23, may-asawa, ng Macabakle, San Francisco, Concepcion, Tarlac.

Napag-alaman na dakong 10:35 ng umaga umano nang iparada ni Figueroa ang kanyang tricycle sa tapat ng Concepcion Municipal Hall hanggang sa tangayin ng lalaking nakasuot ng itim na jacket, asul na short pants at tsinelas, na tumakas patungong Magalang, Pampanga Road. - Leandro Alborote

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!