CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Isang 74-anyos na babae ang nasawi at 22 iba pa ang nasugatan makaraang salpukin ng sinasakyan nilang van ang nakaparadang jeepney sa Bansud, Oriental Mindoro, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Christopher C. Birung, director ng Oriental Mindoro Police Provincial Office (PPO), ang nasawi na si Emiliana K. Griego, 74, taga-Barangay Paclasan, Roxas.

Ayon kay Senior Supt. Birung, nakaupo si Griego sa unahan ng Nissan Urvan Estate van (VVC-222) kasama ang anak niyang si Esperanza Advincula King, 56, ng Bgy. Dangay, Roxas nang sumalpok ito sa jeepney (VAE-756) na noon ay nakahinto sa gilid ng highway habang inaayos nina Edwin I. Maamo, 33; at Roden A. Venus, 39, kapwa taga-Bgy. Hagan, Bongabong, ang flat na gulong nito.

Nabatid ng pulisya na nakatulong ang driver ng van na si Jayson O. Mercado, 39, ng Bgy. Villa Pag-asa, Bansud habang nagmamaneho kaya nangyari ang aksidente.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinilala ni Chief Insp. Nonito P. Banania Jr., hepe ng Bansud Municipal Police, ang ilan sa mga nasugatan na sina Marlo A. Fabella, 47; Noemi Mendoza, 50; Lynnebel Mendroz, 36; Rachele C. Casa, 50; Madison Casa, 7; Dwayne Casa, 9; Shadete Grace F. Gatello, 25; Ruben C. Castillo, 64; Corazon S. Castillo, 67; Neneth C. Cabilugan, 50; Al Madera, 38; Jacques Casa, 9; Madison Chloe C. Casa, 7, pawang taga-Roxas; at Maria Joanna Jane O. Pantoja, 25, ng Bgy. Gasan, Marinduque.

Sugatan din ang driver ng jeep na si Isidro M. Galicha, 48, driver, at mga pasahero niyang sina Sofronio De los Santos, 39; at Jayvee G. Canton, 23, pawang taga-Bgy. Hagan, Bongabong. - Jerry J. Alcayde