jarencio copyPINAKASIKAT na maituturing sa mga naghahangad na maging coach ng University of Santo Tomas men’s basketball team si coach Pido Jarencio.

Ngunit, napalitan ng pagkadismaya ang malugod niyang pagharap sa kagustuhang muling magabayan ang Tigers na kanyang napagkampeon may ilang taon na ang nakalilipas nang lumabas ang balita na kinuha ng UST si dating La Salle coach Aldin Ayo.

Hindi naitago ni Jarencio ang sama ng loob na isiniwalat niyang muli sa kanyang social media account, ilang araw pagkatapos maglabasan ang mga ulat na umalis na ng La Salle si Ayo at lilipat ng UST.

“Ang dami naming magkakapatid na puwede pagkatiwalaan, ang AMA namin kumuha pa ng taga labas! Tsk tsk tsk #no delicadesa #sino may pakana,” nakasaad sa post ni Jarencio sa kanyang account sa Twitter.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Ayon pa kay Jarencio,ang higit na nakakapagdamdam ay ang hindi man lamang pag-aabala ng pamunuan ng UST na tugunin ang kanyang mga panawagan na gusto niyang makabalik bilang coach ng Tigers.

Bukod dito, mas madali aniyang tanggapin kung kapwa din niya alumnus ng UST ang kinuha.

Si Jarencio ang huling nagbigay ng titulo sa Tigers noong 2006 at siya rin ang coach nang huling makapasok ang Tigers sa Finals noong 2012.

Dahil dito, maraming alumni ang pumapabor na pabalikin siya upang muling mag coach kapalit ni Boy Sablan. - Marivic Awitan