Nasawi ang tatlong katao, kabilang ang anak at apo ni Langiden, Abra Vice Mayor Isidro Bueno, makaraang malunod sa ilog sa Barangay Quiliat sa Langiden nitong Huwebes, iniulat kahapon ng pulisya.

Sinabi ni Senior Insp. Stephen Pauirigan, hepe ng Langiden Municipal Police, na tinangkang iligtas ni Isidro Bueno II, 25, ang bisita nilang si Sheeny Bersalona, 13, Grade 8 student at taga-Bgy. Dangdangla, Bangued; at pamangking si Faye Bueno Millare, 13, makaraang tangayin ng agos ng tubig sa Abra River.

Gayunman, kasama niyang nalunod ang dalawang teenager nang sama-sama silang tangayin ng agos ng tubig. - Fer Taboy

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog