Ni Marivic Awitan

SISIMULAN ng defending champion Arellano University ang title -retention bid sa pagsagupa nila sa Mapua habang sasabak naman ang last year’s losing finalist San Sebastian sa unang pagkakataon na wala si dating league 3-time MVP Grethcel Soltones kontra Emilio Aguinaldo sa pagbubukas ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa Enero 4 sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Halos buo ang roster ng Lady Chiefs na nagwagi noong isang taon ng kampeonato sa pangunguna nina Regine Anne Arocha, Necole Ebuen, Andrea Marzan at Jovielyn Grace Prado sa pagsagupa nila sa Lady Cardinals ganap na 1:30 ng hapon.

Sa panig naman ng Lady Stags, gagamit lamang sila ng minimum na siyam na players sa pagkawala ni Soltones at back up hitter na si Katherine Villegas.

Carlos Yulo, sumilip sa live selling ng ina?

“Wala e, hirap kami sa recruitment. Wala naman kasi kaming puwedeng i-offer kundi scholarship, “ pahayag ni coach Roger Gorayeb na sasandig sa kanyang mga nalabing mga veterans na sina Alyssa Eroa, Vira May Guillema, Joyce Sta. Rita at Dangie Encarnacion.

“For different reasons, half of my players from last year are gone. Now I just have to make the most out of the remaining players and hope for the best,” dagdag pa ni Gorayeb na nawalan pa ng isang key player na si Julie Ann Tiangco matapos magtamo ng knee injury sa ensayo.

Magtutuos ang Lady Stags at Lady Generals sa unang laban ganap na 12:00 ng tanghali.