NI REGGEE BONOAN

NAKASANAYAN na kapag Metro Manila Film Festival ay ang gross ng unang araw ang inaabangan ng publiko, dahil dito ibinabatay ang panalo sa box office.

Vice copy

Pero may malaking pagbabago ngayong 2017 dahil hindi maglalabas ang MMFFF execom ng kinita para hindi magkaroon ng pagkukumpara.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Naririto ang post ng isa sa mga bumubuo ng MMFF execom na si Noel Ferrer:

“The MMFF execom, along with the producers of the festival entries plus the theater representatives have agreed not to release any actual figures and rankings so as not to create a bandwagon effect on the viewers.

“We encourage everyone to support ALL the 8 entries because we are as strong as our weakest film.

“We are very happy to say that a large part of the Filipino audiences have gone back to the theaters again this Christmas and we have exceeded even the record 1st day box office gross of MMFF 2015.

“We are looking forward to more and more people watching ALL the MMFF entries until January 7.

MMFF - Magkaisang Mapaunlad ang Filipino Films!!!”

Samantala, as early as 10 AM noong opening ng filmfest sold out na ang dalawang screening ng Ang Panday at Gandarrapiddo The Revenger Squad sa SM Megamall at pagkahahaba rin ng pila sa halos lahat ng sinehan nang i-monitor namin ang pagbubukas ng MMFF 2017.

Ayon sa mga kakilala naming taga-Pampanga na nanood sa SM City Pampanga ay

mahaba rin daw ang pila sa The Revenger at na hindi na kinayang i-accomodate sa isang sinehan kaya nagdalawang sinehan na ang pelikula ni Vice Ganda, Cinema 5 at 6.

So, tumama ang hula namin na sina Coco Martin at Vice ang maglalaban sa unang puwesto sa box office.

Kuwento nga sa amin ng taga-Viva Films, sa masaya raw ngayon si Boss Vic del Rosario kasi nga naman nasa win-win situation siya dahil pareho siyang co-producer ng Ang Panday at ng Gandarrapiddo The Revenger Squad na parehong frontrunner sa box-office office.

Bagamat wala nang nagli-leak na figures sa mga kinikita ng walong official entries, madali lang itong alamin sa pahabaan ng pila sa bawat pelikula.

Panay naman ang promote ni Direk Paul Soriano ng Siargao sa social media account niya ng may hashtag na #TakeMetoSiargao contest para sa solo traveler, couple in love at barkada of 4 looking for adventure.

“Sa mga manonood ng Siargao at in 30 second video ay banggitin in creative way kung bakit kailangan sila ang mananalo ng libreng tickets patungo sa nasabing lugar at i-upload, i-like at i-tag sa Facebook at na may hashtag na #TakeMetoSiargao at #FlySkyJet at ang deadline ay hanggang Enero 7, 2018.”

Wala pa kaming anumang balita tungkol sa performance ng mga pelikulang Larawan, All of You, Haunted Forest, Meant To Beh at Deadma Walking kahit habang tinitipa namin ito ay panay ang text namin sa mga taong involved sa naturang mga pelikula pero hindi kami sinasagot.

Feeling namin ay araw talaga ng mga bata ang Pasko kaya sila ang nasusunod, kaya Ang Panday at The Revenger Squad ang pinipilahan nila at sa ibang araw na lang manonood ang parents o nakatatandang mga kapatid nila.

Tulad noong mga nakaraang pista ng pelikulang Tagalog, aabangan din muna kung anong pelikula ang makakakuha ng maraming awards at saka manonood ang iba.