Ni Leandro Alborote

CAPAS, Tarlac – Patay ang isang farm owner at tatlo niyang tauhan habang dalawa pa ang grabeng nasugatan makaraan silang pagsasaksakin ng nag-amok niyang empleyado sa kanyang farm sa Sitio Pascuala sa Barangay Sto. Rosario, Capas, Tarlac, kahapon ng umaga.

Sa report ni PO3 Arthur Alzadon, mistulang kinatay sa dami ng natamong saksak ng jungle knife ang mga nasawing sina Unesco Tee, 50, may asawa, may-ari ng Northrich Farm, at taga-Villa Elyssa Subdivision, Bgy. Sto. Domingo 2nd, Capas; Roel Rikirom, nasa hustong gulang, stay-in security guard; Hilda Cagas, 19, stay-in house helper; at Danmar Plasos, 13, tauhan din sa farm.

Sugatan din sa mga saksak sina Metzeler Tee, 25, binata; at Peter John Marino, 18, kapwa residente ng Bgy. Sto. Rosario, Capas, Tarlac.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, nagsaksak din sa sarili at namatay ang suspek na si Victor Sta. Ana, 43, binata, stay-in poultry helper, ilang sandali bago rumesponde ang mga awtoridad.

Napag-alaman na nagkaroon ng personal na problema ang suspek hanggang isa-isahing pagsasaksakin ang anim na biktima nang mag-amok siya sa farm.