TARLAC CITY - Kinilala ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ang 155 malilinis na barangay sa Manila Bay-anihan cum 2017 Gawad Parangal Kalinisan at Kaayusan ng Kapaligiran, sa barangay awarding ceremony.

Binanggit ni Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado na makabuluhan ang kontribusyon ng bawat barangay sa pagtataguyod ng malinis na kapaligiran na pamana sa susunod na henerasyon.

Sa tala ng Provincial Administrator's Office, aabot sa 95 barangay ang nakakuha ng unang puwesto at tumanggap ng P20,000, habang 40 barangay naman sa ikalawang puwesto ang nakatanggap ng tig-P15,000, at 20 barangay ang pumangatlong puwesto at tumanggap ng tig-P10,000.

Napag-alaman na pinili ang mga nagwagi batay sa malinis na kalsada at sidewalk, malinis na kanal at ilog, at maayos at epektibong koleksiyon ng basura.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang bayan ng Marilao ang may pinakamaraming malinis na barangay na umabot sa 16. - Leandro Alborote