SAO PAULO (AP) – Apat sa 10 babaeng Brazilian ang nakaranas ng pananamantala, natuklasan sa survey ng polling institute na Datafolha

Ayon dito, 42 porsiyento ng mga tinanong ang nakaranas ng sexual harassment -- 29% ng mga insidente ay nangyayari sa kalye at 22% sa mga pampublikong sasakyan.

Naniniwala ang mga eksperto na mas malaki ang antas kaysa inulat, ngunit hindi madalas na magsalita ang kababaihan sa kanilang karanasan sa takot na masisi.

Kinapanayam ng Datafolha ang 1,427 babae at sinabing ang poll ay mayroong margin of error na 2 percentage points.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'