Ni Gilbert Espeña
TUMAPOS sa ikatlong puwesto ang Pilipinong si Conrado Diaz na isang certified United States Chess Federation (USCF) master sa 2017 William Lombardy Memorial Tuesday Night Marathon na ginanap sa Mechanics Institute Chess Club sa San Francisco, California.
Si Diaz, dating top player ng Adamson University chess team, ay nakipaghatian ng puntos sa Amerikanong si Derek O Connor sa huling laro para makalikom ng 7.0 puntos sa 9-round Swiss system event at makatabla si Natalya Tsodikova.
Sa ipinatupad ang tiebreak points ay nakamit ni Diaz ang third overall habang nalagay si Tsodikova sa ika-4 na puwesto.
Nakuha ni Josiah Stearman ng US ang titulo ng manaig sa tie break points kontra kay fellow 7.5 pointers at eventual second placer Aleksandr Ivanov.