Ni Betheena Kae Unite

Simula ngayong Sabado ay reactivated na ang “Lakbay Alalay” program ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at tatagal ito hanggang sa Enero 2, 2018 upang ayudahan ang mga motoristang bibiyahe ngayong holiday season.

Magsisimula ang motorists’ assistance stations services ngayong Sabado ng tanghali hanggang 12:00 ng tanghali ng Enero 2, 2018, ayon kay DPWH Secretary Mark Villar.

Layunin ng Lakbay Alalay na gabayan ang mga motorista sa mga highway, sa pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya ng gobyerno, tulad ng Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), at mga lokal na pamahalaan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon