Dahil sa labis na kalungkutan dahil walang panggastos sa nalalapit na Pasko, nagbigti ang dating call center agent sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Greme Oris, 26, ng Estrella Homes, Barangay 169 ng nasabing lungsod.
Base sa report, natagpuang walang buhay at nakabigti sa loob ng kanyang bahay ng kanyang mga kaanak, 5:00 ng madaling araw.
Natagpuan ng mga imbestigador ang isang suicide note sa laptop computer ng biktima na humihingi ng patawad sa kanyang pamilya.
Ayon kay Gisette Alparo, misis ni Oris, katatanggal lamang sa trabaho ng biktima sa hindi pa mabatid na dahilan.
Dahil sa walang panggastos, naging dahilan ito ng madalas nilang pagtatalo. - Orly L. Barcala