Marian Rivera
Marian Rivera
ISANG ulirang ina ang sinorpresa ni Super Ma’am Marian Rivera nang mabalitaan niyang super fan niya ito.

Natuwa si Marian sa kuwento ng buhay ni Nanay Cora na isang super mom sa mata ng kanyang mga anak. Itinampok ang kuwento nila sa iJuander, at ipinakita kung gaano pinahahalagahan ni Nanay Cora ang kanyang mga anak at kung paano niya kinakayang pagsabay-sabayin ang mga responsibilidad sa kanilang tahanan.

Naantig si Marian sa buhay ng kanyang fan kaya personal niya itong dinalaw at kinumusta. Matapos makilala ang Super Ma’am, kitang-kita ang kasiyahan ng kanyang tagahanga sa nasabing sorpresa.

Samantala, sa pagpapanggap ni Greta (Jackie Lou Blanco) bilang Raquel (Dina Bonnevie), nalaman na niyang iisa lang si Minerva at Super Ma’am. Ano kaya ang mga hakbang ang gagawin ng mga at paano ito malalagpasan ni Super Ma’am?

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter