Humigit-kumulang limang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P30 milyon ang aksidenteng nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 3 nang magsagawa ng ocular inspection sa bahay ng isang Chinese na drug suspect sa Angeles City, Pampanga nitong Martes.

Sa ibinigay na report sa Balita, kinilala ng PDEA-Region 3 ang naarestong Chinese na si Yi Ye Chen.

Batay sa inisyal na impormasyon, bandang 10:30 ng gabi nitong Martes nang magsagawa ng inspeksiyon ang PDEA Special Enforcement Service (SES), Regional Office-NCR & MIG 3, at ISAFP sa ilalim ng pangangasiwa ni Assistant City Prosecutor Mark Oliver Sison, sa Jasmin Street sa Hinsonville Subdivision sa Barangay Malabanias, Angeles, kaugnay ng mga kaso ni Yi na paglabag sa Sections11 at 12 ng Article 2 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165).

Sa pag-iinspeksiyon, kinailangan ng mga operatiba na magkabit ng ilaw dahil madilim sa bahay ni Yi, hanggang sa mapansin nila na may nakabukol na kung ano sa kisame ng bahay.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nang inspeksiyunin, nadiskubre ng PDEA ang isang malaki at dalawang maliliit na supot sa kisame, na nakumpirmang naglalaman ng mahigit limang kilo ng hinihinalang shabu sa kabuuan, na nagkakahalaga ng aabot sa P30 milyon. - Franco G. Regala