Milwaukee Bucks' Giannis Antetokounmpo  (AP Photo/Morry Gash)
Milwaukee Bucks' Giannis Antetokounmpo (AP Photo/Morry Gash)

MILWAUKEE (AP) – Nabitiwan ng Bucks ang double digit na bentahe sa fourth period, ngunit matikas na nanindigan sa krusyal na sandali para maungusan ang Cleveland Cavaliers, 119-116, nitong Martes (Miyerkules sa Manila).

Hataw si Giannis Antetokounmpo para sandigan ang Bucks sa 39-24 sa second quarter, ngunit nagawang maibaba ng Cavaliers ang bentahe bago nakipagsabayan para sa makapigil-hiningang pagtatapos. Naputol ng Milwaukee ang three-game skid.

Kumubra si Antetokounmpo ng 27 puntos, 14 rebounds at walong assists, habang tumipa si Eric Bledsoe ng 26 para sa Milwaukee.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Natuldukan ang winning streak ng Cavaliers sa lima, sa kabila nang isa na namang dominanteng laro ni LeBron James na kumana ng 39 puntos, kabilang ang limang sunod na huling dalawang minuto para maitabla ang iskor sa 110-all.

Nag-ambag si Kevin Love ng 21 puntos, habang humugot si Dwyane Wade ng 14 puntos mula sa bench.

KINGS 101, SIXERS 95

Sa Philadelphia, pinaluhod ng Sacramento Kings, sa pangunguna nina Zach Randolph na may 27 puntos at Buddy Hield na may 24 puntos, ang Philadelphia 76ers.

Kumubra rin si Frank Mason III ng 16 puntos para sa Kings, bumalikwas mula sa 16 puntos na paghahabol sa second-half.

Nanguna si Ben Simmons sa Sixers sa natipang 13 puntos, 12 rebounds at siyam na assists. Nanatiling wala si Philadelphia star center Joel Embiid bunsod nang pananakit ng likod. Nag-ambag si Robert Covington ng 17 puntos.

WIZARDS 116, PELICANS 106

Sa Washington, ratsada si Bradley Beal sa naiskor na 26 puntos, habang tumipa si Mike Scott ng season-high 24 puntos sa panalo ng Wizards kontra New Orleans Pelicans.

Nag-ambag si John Wall ng 18 puntos at 10 assists para sa ikatlong panalo sa apat na laro ng Washington.

Nanguna si Anthony Davis sa Pelicans na may 37 puntos, habang kumubra si DeMarcus Cousins ng 26 puntos at 13 rebounds.

Curry, hindi makalalaro vs Cavs sa Pasko

Sa California, posibleng hindi hindi makalaro si Stephen Curry sa duwelo ng Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers sa araw ng Kapaskuhan, ayon sa pahayag ng Warriors management.

“The evaluation indicated that the ankle is healing well and that he is making good progress overall, enabling him to progress to modified on-court workouts in the coming days,” pahayag ng koponan nitong Martes (Miterkules sa Manila).

Nagtamo ng sprained sa kanang paa si Curry sa panalo kontra New Orleans Pelicans nitong Disyembre 4.