Ni REMY UMEREZ

John Lloyd Cruz
John Lloyd Cruz
KUNG may isang awiting tutugma sa inasal ni John Lloyd Cruz, ito ay walang iba kundi ang What I Did For Love ni Jack Jones.

Oo nga’t walang nabiting pelikula ang magaling na actor, pero palaisipan sa producers ng Home Sweetie Home kung paano mapapanatiling viewable ang sitcom nang mag-indefinite leave ang actor.

Malaking tulong ang pagsulpot ni Piolo Pascual pero hanggang kailan siya mamamalagi sa show? Sa kabila ng pagkawala ni John Lloyd, natutuwa si Direk Bobot Mortiz na mataas pa rin ang ratings ng Home Sweetie Home.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Masyadong mabait at maunawain ang ABS-CBN management sa hindi pagpataw ng kaukulang parusa sa pagiging unprofessional ni John Lloyd Cruz, na hanggang sa kasalukuyan ay on the honeymoon stage with his girlfriend, Ellen Adarna. He got away with murder, ‘ika nga. Marami ang nangangamba na baka sa kalaunan ay tuluyang makalimutan ng madlang pipol ang karakter na kanyang ginagampanan sa show.

Pero ano ang malay natin, baka pagpasok ng 2018 ay gulatin na lang tayo sa kanyang pagbabalik sa Home Sweetie Home.