CAPAS, Tarlac – Hinalay at ineskandalo ng isang 23-anyos na lalaki ang isang 16-anyos na babae sa Barangay Aranguren, Capas, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si John Paul Lapuz, 23, na residente ng nasabing barangay.

Dakong 9:30 ng gabi umano nang tawagin ng suspek ang biktima para magtungo sa kanyang tindahan, at kung hindi ay babatuhin nito ang bahay ng biktima.

Pagkarating ay kaagad umanong niyakap, hinubaran at inabuso ni Lapuz ang dalagita. Kinuhanan din nito ng litrato ang hubad na katawan ng babae at pagkaraan ay ikinalat sa kanilang lugar. - Leandro Alborote

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog