Ni CHITO CHAVEZ

Nagsampa na ng kasong slight physical injury, unjust vexation at malicious mischief ang taxi driver laban sa babaeng motorista na nanuntok sa kanya sa kasagsagan ng kanilang pagtatalo sa trapiko.

Naghain ng reklamo si Virgilio Doctor, 52, matapos makaranas ng physically at verbally abuse sa private car owner at call center supervisor na si Cherish Sharmaine Interior, 31.

Sinabi ni Doctor na sinigawan siya ni Interior habang makailang ulit na sinampal dahil sa pagtatalo sa trapiko.

National

Grupo ng simbahan, suportado panawagang imbestigahan ng ICC ang War on Drugs: 'Let justice be served'

Nakuhanan ng video si Interior, na nag-viral sa social media, habang sinasampal niya si Doctor at sinisira ang side mirror ng taxi.

Naganap ang insidente nang subukang mag-overtake ni Doctor.

Sinabi ni Doctor na posibleng nagalit si Interior matapos niyang bumusina. Ayon kay Doctor, mabagal ang takbo ng sasakyan ni Interior kaya napilitan siyang bumusina.

“’Yung pasahero ko medyo nagmamadali pumasok,” sabi ni Doctor.

Sinabi rin ni Doctor na kumuha rin si Interior ng isang tube o golf club na inihampas sa kanyang taxi bago siya nito sinuntok.

Bumaba sa taxi ang taxi driver, stroke survivor noong 2014, at umupo sa tabi ng kalsada matapos ang panununtok.

Sinabi ni Doctor na bumaba siya sa kanyang taxi upang magpahinga sa takot na muling ma- stroke.

Nakikipagtulungan na ang taxi driver at ang kanyang operator sa Land Transportation and Regulatory Board hinggil sa insidente.