Ipinatatanggal ni Pangulong Duterte sa serbisyo ng Philippine National Police (PNP) ang tatlong pulis na may ranggong superintendent dahil umano sa pagiging kurakot at "gangster".
Sa speech ng Pangulo sa birthday party ni Sen. Manny Pacquiao sa General Santos City, sinabi niyang gusto niya ring sibakin ang nasa 60 hanggang 90 pulis.
Hindi naman pinangalanan ng Pangulo ang alinman sa mga pulis na nais niyang tanggalin sa serbisyo.
Ayon kay Duterte, sanay na sanay ang nasabing mga pulis sa kalokohan, gaya ng panghoholdap, sangkot sa ilegal na droga, at sa iba pang ilegal na aktibidad.
“I’m just warning itong mga pulis na kurakot o ‘yung mga may… it could be the mayor’s office or it could be… talagang hihiritan ko kayo, babantayan ko kayo,” ani Duterte. - Beth Camia at Fer Taboy