Aabot sa 10,336 na pribadong motorista ang nahuli ng mga traffic enforcer sa non-contact apprehension policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa yellow lane sa EDSA.

Nahuli ang mga lumabag na motorista simula nang ipatupad ang yellow lane scheme sa EDSA.

Ang yellow lane ay eksklusibong lane sa EDSA na maaaring daanan lang ng mga pampublikong sasakyan tulad ng bus.

Mahigpit na ipinagbabawal sa mga pribadong motorista at motorsiklo na dumaan sa yellow lane. - Bella Gamotea

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20