"MATATAPOS na ba ang The Good Son?" tanong sa amin ng mga sumusubaybay ng programa ng Dreamscape Entertainment sa ibang bansa dahil kilala na kung sino ang pumatay kina Victor Buenavidez (Albert Martinez) at SPOI Colmenares (Michael Rivero).

Iisa ang hula ng lahat, si Calvin (Nash Aguas) ang pumapatay dahil, “Siya lang kasi ‘yung kakaibang kumilos sa lahat.  Alam mong may ginagawang hindi maganda kasi ayaw makihalubilo sa tao,” reaksiyong narinig namin. 

At tugma naman ang lahat ng sinasabi dahil base sa teaser na ipinapakita para sa mga susunod na episode ay nagwawala na si Cavin (Nash) at inaaway na ang lahat ng taong umaaway sa mommy niyang si Olivia (Eula Valdez).

Bale ba nu’ng huling nakausap namin si Nash sa thanksgiving party ni Congressman Yul Servo Nieto ay tumatawa ang aktor nu’ng sabihin namin siya ang killer sa The Good Son.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Anyway, nabanggit din naman sa amin dati ng business unit head ng programa na si Erick Salud na walang extension ang The Good Son nu’ng tanungin namin dahil nga mataas ang ratings at marami talaga ang nag-aabang gabi-gabi.

Samantala, umangat naman nang husto ang tambalang MacLisse nina Mccoy de Leon at Elisse Joson sa The Good Son kaya labis silang nagpapasalamat sa Dreamscape Entertainment nang makatsikahan namin pagkatapos ng celebrity screening ng Ang Panday ni Coco Martin. Kasama rin sila sa naturang MMFF entry. --Reggee Bonoan