SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Labimpitong araw ang nakalipas bago natagpuan ng pamilya ang iniulat na nawawalang collector ng PCSO-STL makaraang matagpuan sa morgue ng San Jose City Hospital sa Nueva Ecija.

Positibong kinilala ni Jing-Jing Sermese y dela Cruz ang bangkay ng amang si Jimmy Sermese y Mejia, 58, biyudo, sales representative ng PCSO-STL at taga-Barangay Dilan, Urdaneta, Pangasinan.

Nawala umano ang biktima noong Disyembre 11 makaraang magpaalam dakong 8:00 ng umaga na dadalaw sa burol ng kaanak sa Bgy. Plaridel sa Llanera, ngunit hindi na ito umuwi.

Ayon sa San Jose City Police, natagpuan nila ang walang malay na biktima sa bakuran ng isang rice mill sa Sitio Tangos, Bgy. Calaocan, at dinala sa ospital at ngunit binawian din ng buhay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ayon sa anak, matagal nang may Alzheimer's disease ang ama, at tumangging ipa-awtopsiya ito. - Light A. Nolasco