Pope Francis gestures during the Angelus noon prayer in St. Peter's Square at the Vatican, Sunday, Dec. 17, 2017. The pontiff is celebrating his 81st birthday. (AP Photo/Gregorio Borgia)

VATICAN CITY (AP) – Binatikos ni Pope Francis ang mga mamamahayag na kumakalkal ng mga lumang eskandalo at pinalalaki ang balita, sinabing ito ay “very serious sin” na sinasaktan ang lahat ng sangkot.

Sinabi ng papa nitong Sabado na ang misyon ng mga mamamahayag ay kabilang sa pinakamahalaga sa mga demokratikong lipunan. Ngunit pinaaalahanan niya ang mga ito na magbigay ng tumpak, kumpleto at tamang impormasyon at hindi one-sided na mga ulat.

“You shouldn’t fall into the ‘sins of communication:’ disinformation, or giving just one side, calumny that is sensationalized, or defamation, looking for things that are old news and have been dealt with and bringing them to light today,” ani Pope Francis.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tinawag niya ang mga aksiyong ito na “grave sin that hurts the heart of the journalist and hurts others.”