Nina Leslie Ann G. Aquino at Mary Ann Santiago

Hinikayat ng isang opisyal ng simbahan ang mga dadalo sa Simbang Gabi na isama ang bansa sa kanilang panalangin.

“Let us include the nation in our prayers. While we encourage people to pray for their personal intentions, at the same time let us also not forget our country because our country also needs our prayers especially today. We are at a crossroads,” sinabi ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Public Affairs Committee, sa isang panayam.

Sinabi niya na kinakailangang ipagdasal ng mga mananampalataya ang kapayapaan, pagkakaisa, at pagkakaayos sa bansa.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“There are many warring factions in our society. Politicians are bickering. Church and State are at odds especially with the way policies our being formulated and implemented. So, we pray for reconciliation,” ani Secillano.

“Without pointing fingers at anyone, we see that our society are somewhat chaotic. Killings are happening everywhere, political bickering, issues are being hurled at each other. What we need right now is a semblance of peace,” dagdag pa niya.

PAGKAKASUNDO

Hinimok naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang sambayanang Pilipino na buhay at kapayapaan ang ipunla ngayong nalalapit na Pasko.

Sa kanyang Christmas message para sa mga Pinoy, sinabi ni Tagle na ang pagsilang ng Panginoong Hesukristo ay pagtupad sa propesiya ni Isaias na ang mga hidwaan ay mahihilom at ang mga sandata ng himagsikan at pag-aawayan ay isasantabi.

Ipinaliwanag pa ng Cardinal na ang tunay na diwa ng Pasko ay ipunla ang buhay at kapayapaan.

Aniya, dapat ding pagsikapan ng bawat isa na maging kasangkapan ng pagkakalapit ng mga nagkalayo, pagkakasundo ng mga naghihidwaan, at pagpapatawad ng mga kasalanan.

“Nagkakasiyahan at kumain lamang. Maganda po lahat ‘yan, pero sana sa Paskong ito ay gumawa tayo ng hakbang upang ang mga magkakalayo ay magkalapit. Ang mga naghihiwadhaan ay magkasundo. Ang mga nagkasakitan ay magpatawaran,” sabi ni Tagle.