Ni NITZ MIRALLES

“MASAYA” ang paunang sagot ni Sunshine Dizon nang tanungin namin kung ano ang naramdaman niya nang manalo siyang Best Actress sa OFW Gawad Parangal 2017 para sa pagganap sa role at karakter ni Emma sa Ika-6 Na Utos.

RYZA GABBY AT SUNSHINE copy

“Second award ko na ito para sa Ika-6 Na Utos, una ‘yung sa Gawad Amerika for the same role and the same teleserye.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ang sarap lang ng feeling na naa-appreciate ang effort at hard work na ibinibigay ko sa show at sa role. For sure, ganu’n din ang feeling nina Gabby (Concepcion) at Ryza (Cenon) dahil sila rin nanalo,” pahayag ng aktres.

Si Gabby ang napiling Best Actor at si Ryza ang Best Supporting Actress na co-stars niya sa Ika-6 Na Utos. May mga susunod pang award-giving body at malay natin, madagdagan pa ang awards ng tatlo.

Grabe ang effort na ibinibigay nina Sunshine at ibang cast sa number one daytime program. Si Sunshine, every taping day, mula 40 sequences hanggang 55 sequences ang tinatapos niya per taping day.

“Mahina ang 30 to 40 sequences a day na ginagawa ko per taping day, mostly, 55 sequences in a day ang tinatapos ko.

Akala lang ng viewers glamorous ang ginagawa namin. Hindi nila alam ang hard work sa likod noon. Idagdag pa how many times kami nagtsi-change ng clothes at kung gaano kahaba ang mini-memorize naming script. Ang break lang namin ay lunch o dinner break at minsan, hindi pa kami makakain ng maayos. Kaya pag-uwi ko, laspag ang feeling ko.

“But I have no complain dahil ang kapalit ay positive feedback, mataas na rating at fulfillment na nararamdaman mo.

Worth it ang lahat ng pagod,” pahayag ni Sunshine.

Makakapagpahinga si Sunshine at ang buong cast, staff and crew for two weeks sa Christmas break na ibinigay ng GMA-7 sa lahat ng mga artista nilang may teleserye.

“Sa December 18 ang last taping day namin for the Christmas break at sa December 20, we are leaving for the States.

Sa States kami magpa-Pasko ng mga anak ko with my dad na nasa Los Angeles. We will be back on January 5, 2018 at tuloy ang taping hanggang sa pagtatapos ng Ika-6 Na Utos,” kuwento ni Sunshine.