Ni Mike U. Crismundo

CAMP DATU MAKAPANDONG, Prosperidad, Agusan del Sur – Tatlumpu’t tatlong armadong miyembro ng New People’s Army (NPA) na boluntaryong sumuko sa militar ang iprinisinta sa media kahapon.

Ayon sa mga opisyal ng military, sumuko ang mga rebelde dahil pagod na ang mga ito sa pamumuhay sa kabundukan at takot ding mapatay sa pinaigting na opensiba ng puwersa ng gobyerno laban sa NPA.

“They also wanted to be with their respective families and live in a peaceful and productive life in their communities,” sabi ni Capt. Rodulfo S. Cordero, ng Civil Military Operations (CMO) ng 401st Infantry (Unity) Brigade.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Labing-apat na rebelde ang unang sumuko sa 26th Infantry Battallion, 14 pa ang sumurender sa 3rd Special Forces Battallion, habang lima pa ang sumuko sa Cagayan de Oro City Police Office.

Tatanggap ang mga dating rebelde ng tulong pinansiyal kapalit ng isinuko nilang mga armas, bukod pa sa perang ayuda at tulong pangkabuhayan, alinsunod sa Comprehensive Local Integration Program.