Ni Lyka Manalo

BATANGAS - Malaking kontribusyon sa pagdagsa ng turista sa Batangas ang pagpunta sa mga pilgrimage site at mga simbahan, partikular tuwing Semana Santa at Christmas season.

Ayon kay Atty. Sylvia Marasigan, provincial tourism officer, 2.5 milyong sa kabuuang siyam na milyong turista sa Batangas ang bumisita sa mga religious place noong nakaraang taon.

Pinakamaraming deboto ang bumibisita sa Padre Pio National Shrine sa Sto. Tomas, Marian Orchard sa Balete, at Monte Maria sa Batangas City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Binanggit din ni Marasigan ang mga simbahan sa Lipa City, na tinaguriang Little Rome of the Philippines. Sa siyudad din matatagpuan ang Archdiocese of Lipa.

Bukod sa faith tourism, pinalalakas din ng lalawigan ang farm tourism, sa pagsusulong ng pasyalan at pagkatuto.

Sinabi ni Marasigan na nagsasagawa ng mga seminar at workshop sa mga demo farm upang ipakita kung paano isinasagawa ang pagpapalago ng mga halaman at pagpapalaki ng mga alagang hayop.

Sa kabila nito, sinabi ni Marasigan na hindi pa rin maiisantabi ang mga dinarayong beach sa Batangas, na pangunahing tourist destinations sa probinsiya.

“We have 11 lakeshore towns around the famous amazing Taal Lake and Volcano, 15 towns around the bayside, sorrounded po talaga tayo ng rich waters and we have eight inland towns,” sabi ni Marasigan.