Ni Lyka Manalo

BAUAN, Batangas — Nasugatan ang dalawang Chinese turista nang banggain sila ng isang bangka habang nagsasagawa sila ng diver’s training sa karagatan ng Bauan.

Kinilala ang mga Chinese na sina Jing Ping Pan, 38, isang hotel manager, at Xu Fei, 37, travel agent manager. Kapwa sila naka check-in sa Bauan Divers Sanctuary sa Barangay San Pablo.

Ayon sa report ng Batangas police, 5 ng hapon noong Sabado at nasa kalagitnaan ng diver’s rescue license training sina Jing at Xu kasama ang dalawa pa nang banggain sila ng de-motor na banca may 50 metro ang layo sa pampang.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nasugatan sa braso ang dalawa turista na ginamot sa Our Lady of Caysasay Medical Center sa Lemery.

Nasa kustodiya ng pulisya ang bangkero na si Rolando Diokno, 63 anyos.