Nakumpleto na ng 21 opisyal ng Bureau of Customs (BoC) mula sa 10 seaport ang International Seaport Interdiction Training (ISIT) na ipinagkaloob ng U.S. Export Control and Related Border Security Program (EXBS), sa pakikipag-ugnayan ng U.S. Customs and Border Protection (CBP), sa Maynila nitong Disyembre 4-8.

Kabilang sa ginawang pagsasanay ang operational exercises sa Port of Manila.

Sa ulat ng U.S. Embassy sa Manila, nag-donate ang EXBS ng 20 personal radiation detector sa BoC sa kasagsagan ng seremonya nitong Disyembre 4. Ang maliit na hand-held device, na aabot sa halos P1.5 milyon, ay tumulong sa BoC upang higit na matukoy ang nuclear at radioactive materials. - Bella Gamotea

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist