Binalaan ng intelligence group sa Bureau of Customs (BoC) ang publiko hinggil sa mga indibiduwal na nagpapanggap na customs officials upang makakolekta ng “tara” o padulas na pera mula sa importers.

Sa memorandum na may petsang Disyembre 7, 2017, nilinaw ni Ricardo Quinto, deputy commissioner for intelligence group, na siya “has never authorized the use of his name to facilitate transactions with the BoC.”

Nagbabala si Quinto na ang sinumang mahuli sa ilegal na aktibidad ay aarestuhin at kakasuhan.

Sinabi ng deputy commissioner na nakatatanggap siya ngmga report na may ilang indibiduwal na ginagamit umano ang kanyang pangalan o nagpapakilalang malapit sa kanya “to obtain preferential treatment for importers and facilitates the release of their cargoes.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinasabi ng mga indibiduwal na ito, dagdag ni Quinto, sa mga importer na ang lahat ng transaksiyon sa intelligence group ay daan sa kanila.

Isang Certain M. Lazarte at isang B. Marcelo ang umano’y gumagamit sa pangalan ni Quinto at sa pangalan ni Director Gilbert Buenafe, hepe ng Intelligence Division, upang makahuthot ng pera sa mga importer, broker, at BoC stakeholders.

Sa hiwalay na memorandum na may petsang Disyembre 5, 2017, nilinaw ni Buenafe na wala silang inuutusang kahit sino para mangolekta ng pera para sa kanila o para sa kanilang opisina. - Betheena Kae Unite