Lumikha ng isang sub-committee ang House committee on local government na mangangasiwa sa pag-aayos sa apat na panukalang batas tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Pinulong ng komite ang House committee on Muslim affairs at committee on peace, reconciliation and unity, upang pag-aralan ang mga nasabing panukala.

Ang sub-committee, na pamumunuan ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Wee Palma II ay bubuuin ng tigatlong miyembro mula sa tatlong komite, at bubusisi, mag-aayos at gagawa ng working draft batay sa House Bills 6475, 92, 6121 at 6263 nina House Speaker Pantaleon Alvarez, Deputy Speaker Bai Sandra Sinsuat Sema (1st District, Maguindanao), Rep. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga) at Rep. Mohamad Khalid Dimaporo (1st District, Lanao del Norte). - Bert de Guzman

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'