Ni Gilbert Espeña

PANGUNGUNAHAN ni Philippine wonder kid Al Basher “Basty” Buto ang delegasyon ng Rizal Province sa 2017 Cluster Meet Chess Tournament para sa Elementary at High school division sa Lunes sa Marikina City.

Si Buto, 7, ang maglalaro bilang top board sa Province of Rizal sa Elementary Boys division. Habang ang board 2 team mate naman ni Buto ay si Mark Joseph Barbosa, batang kapatid ni Grandmaster Oliver Barbosa.

Makakasama nila sa Rizal sina Cielo Hernandez at Irish Gelua para sa Elementary Girls division; Kenneth Gelua at Chester Niel Reyes para sa High School Boys division; at Rohanisah Buto at Janna Ledj Barcenas para sa High School Girls division.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kilala sa tawag na Basty sa mundo ng chess, si Buto ay tubong Marawi City na nakakopo ng limang gold medals at isang silver medal sa 18th ASEAN Age Group Chess Championship na ginanap Pahang, Malaysia kamakailan.

Sa tulong ni Buto, tinapos ng Pilipinas ang supremacy ng Vietnam sa ASEAN region matapos mag over-all champion na may naiuwing 83 gold, 37 silver at 29 bronze medals.