Ni Bella Gamotea

Masusing pinag-aaralan muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung magiging epektibo ang ‘high occupancy vehicle (HOV) lane” o kilala sa tawag na ‘share a ride o carpooling’ sa Edsa, bago ipatupad sa Disyembre 18.

Layunin ng bagong traffic scheme na pagaanin ang matinding trapik sa mga lansangan sa Metro Manila partikular sa EDSA.

Ayon sa MMDA, may multang P500 ang mga motoristang lumabag sa HOV sa pamamagitan ng ‘no contact apprehension policy’ ng ahensiya.

Atty. Claire Castro, wala sa hinagap maging PCO Undersecretary

Ang HOV ay isang fast lane sa EDSA para sa mga sasakyang may sakay na mahigit sa dalawang pasahero.

Mahigpit na babala ng MMDA, huhulihin at pagmumultahin ang mga motoristang magpupumilit dumaan sa HOV lane na may isang sakay lamang.

Sa Lunes, Disyembre 11, magsasagawa ng dry-run ang MMDA upang alamin kung magiging epektibo ito sa mga motorista at maibsan ang trapik sa EDSA.