MULA sa kanyang matagumpay na pagsali sa Himig Handog 2017, nanguna naman si Moira dela Torre sa Philippines Top 50 charts ng sikat na digital music service na Spotify sa pamamagitan ng kanyang winning song na Titibo-Tibo.

Moira dela Torre (2) copy

Ayon sa announcement na inilabas ng Spotify nitong Lunes, si Moira ay opisyal nang nasa pinakamataas na spot sa Top 50 charts sa bansa, at dahil dito, siya ang pinakaunang OPM artist na nagkamit ng kapuri-puring tagumpay. Ayon pa sa music streaming site, isinama rin siya sa Top Hits PH playlist + cover feature.

Ang feel-good song na Titibo-Tibo, na komposisyon ng Himig Handog grand winner na si Libertine Amistoso, ang unang awiting OPM na nanguna sa Philippines Top 50 ng Spotify na dati ay nasosolo lamang ng mga awiting banyaga.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Bukod sa kanyang tagumpay sa Himig Handog, ang 24-year-old musician ay unti-unti nang nakikilala sa larangan ng musika dahil kamakailan ay gumawa rin siya ng bersiyon ng Torete ng Moonstar 88, na naging theme song ng pelikulang Love You To The Stars and Back ng Star Cinema. Siya rin ang umawit ng Malaya na ginamit namang theme song sa pelikulang Camp Sawi noong 2016.

Inaabangan na rin ang paglabas ng kanyang solo album mula sa Star Music na inaasahang ilulunsad sa susunod na taon.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga show at proyekto ni Moira, bisitahin ang Starmusic.ph, i-like ito sa facebook.com/starmusicph, at sundan sa Twitter at Instagram @StarMusicPH.