Ni Alexandria Dennise San Juan

Hinoldap ang isang lalaki ng dalawang hindi pa nakikilalang armado habang nangongolekta ng pera sa isang kliyente sa Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ng Batasan Police Station (PS-6) ang biktima na si Armando Tabas, 32, isang lending company collector na nakatira sa Valenzuela City.

Ayon sa isa sa mga kliyente ni Tabas, si Elma Villafria, 44, katatapos lamang ng biktima na mangolekta sa kanyang kapitbahay sa kahabaan ng Laura Street, Anzares Compound sa Barangay Old Balara at pupuntahan na sana siya nito, bandang 1:10 ng hapon.

National

2 lugar sa bansa, makararanas ng dangerous heat index sa Linggo

Sa pagpunta ng biktima sa bahay ni Villafria, sumulpot ang isang naka-helmet na lalaki at nakasuot ng itim na jacket at tinutukan ng baril kay Tabas at kinuha ang mga nakolekta nitong pera.

Sakay ang suspek sa motorsiklong walang plaka na minamaneho ng isang babae at humarurot palayo.

Aabot sa P11,000 cash at dalawang cell phone, na nagkakahalaga ng P11,000, ang nakuha mula sa biktima.

Nagpasaklolo si Tabas sa pinakamalapit na police officers na mabilis na rumesponde sa pinangyarihan ngunit hindi nahabol ang mga suspek.