Ni Roy C. Mabasa

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na pahihintulutan din ng dalawa pang sangay ng pamahalaan – ang Legislative at Judiciary – ang “unfettered public access” sa mga impormasyon sa kanilang gawain, maliban sa ilang restrictions at regulasyon sa hindi pangkaraniwang pagkakataon.

Ito ang panawagan ng Pangulo kahapon sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng Freedom of Information (FOI) program.

Hulyo 23, 2016, nang nilagdaan ni Duterte ang Executive Order No. 2, na nag-uutos sa Executive branch na bigyan ng karapatan ang mamamayan na makakuha ng impormasyon at mabuksan ang mga libro para sa transparency sa public service.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I hope that both the legislative and judicial branches of government would join us in strengthening our democratic institutions by following suit and instituting measures that would allow unfettered public access to relevant information about their affairs, subject to reasonable restrictions and regulations in exceptional circumstances,” pahayag ni Duterte kasabay ng FOI Week.

Sa pamamagitan nito, ayon sa Pangulo, matitiyak ang accountability sa public service, magkakaroon ng impormasyon ang mamamayan at maisakatuparan ang isinasaad sa konstitusyon na “sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.”