Ni LEONEL M. ABASOLA

Tinawanan lamang nina Senador Grace Poe at Sen. Panfilo Lacson ang alegasyon ni Atty. Lorenzo Gadon na may “oligarch” na magbibigay ng P200 milyon sa bawat senador para bumotong ibasura ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“Unang una-hindi totoo. Sa akin, hindi totoo yun. Walang lumalapit para makapag-usap. At sa tingin ko, ang ating mga kababayan ay nagbabantay dito. Makikita ang pagkikilos namin. Ang dapat talagang makita ay ang merito ng kaso at kung may katotohanan dito,” ani Poe.

Tiniyak ni Poe na personal niyang lalaban ang sino mang magtatangkang kumausap sa kanya. Idiniin din niyang hindi dapat paniwalaan si Gadon dahil malinaw naman na tahi-tahi ang mga pahayag nito.

National

Guanzon, binalikan dating pahayag ni Willie hinggil sa politika: ‘Igiling-giling talaga!’

Ayon naman kay Lacson, taktika ni Gadon na ilagay sa alanganin ang mga senador para magkaroon ng mind conditioning.

“Pagdating niya rito we’ll ask him kung sino tinutukoy niyang mga senador. Sino ang nagsabi sa kanya, saan niya nabalitaan. Sa ngayon ayoko pa maniwala sa kanya. Huwag kayo maniwala masyado kay Atty. Gadon. Kasi puro nga hearsay yung kanya, e ‘di lalong hearsay pa ito. ‘Yun nga tini-testify n’ya dun sa House puro hearsay, e ito chismis pa ito, ‘di lalong hearsay. Baka triple hearsay ‘yan,” ani Lacson.