Ni AARON B. RECUENCO

Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang umano’y hired killer, na gumagamit sa apelyido ng isang Army major na katatanggap lang ng Medal of Valor para mas mataas ang presyuhan sa kanyang “trabaho”, na karaniwan nang target ang mga lokal na pulitiko.

Suspect George Ginabay a.k.a.
Suspect George Ginabay a.k.a. "G-G" - hired killer found in Quezon, Nueva Vizcaya acussed in stabbing on left side of the chest, Mayor of Paracelis, Mountain Province Avelino Amangyen happened last October 10, 2017, 11:38am at Santiago CIty, Isabela presented today, December 04, 2017 at CIDG, Camp Crame. (Kevin Tristan Espiritu)

Iprinisinta kahapon si George Ginabay sa press conference sa Camp Crame sa Quezon City, ilang oras makaraang ilunsad ng Philippine National Police-Human Rights Affairs Office (PNP-HRAO) ang mobile application na magpapaalala sa mga pulis tungkol sa mga karapatan ng mga akusado.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Tampok sa mobile app ang probisyon na ipinagbabawal ang pagpiprisinta sa publiko sa isang suspek sa krimen dahil itinuturing pa rin itong inosente hanggang hindi nahahatulan ng korte.

Sinabi ni CIDG chief Director Roel Obusan na inaresto si Ginabay nitong Sabado sa bayan ng Diadi sa Nueva Vizcaya sa aktong makikipagkita sa kliyente nito—na ayon sa mga source ay isa umanong pulitiko.

Ayon kay Obusan, ang huling biktima ni Ginabay ay si Paracelis, Mountain Province Mayor Avelino Amanyen, na ilang beses umanong sinaksak ng suspek noong nakaraang buwan.

Gayunman, nakaligtas ang alkalde at positibong kinilala si Ginabay na sumaksak sa kanya.

Sa isang panayam, sinabi ni Amanyen na posibleng ang pagpuno sa dalawang posisyon sa munisipyo ang motibo sa tangkang pagpatay sa kanya.

Ayon kay Obusan, bukod kay Amanyen ay suspek din si Ginabay sa pagpatay sa isang pulis, sa isang barangay chairman, at sa pangulo ng Association of Barangay Captains.

Dagdag pa ni Obusan, bineberipika ngayon ng CIDG sa Philippine Army kung totoo ngang aktibong sundalo si Ginabay, na nagsabing isa itong Army corporal at nagsanay sa Scout Ranger.

“He has been using the surname Guinolbay because there is an Army officer who is a Medal of Valor awardee. He is doing that probably for a higher asking price for his every hit,” ani Obusan, tinukoy si Lt. Col. Ruben Guinolbay.