ORLANDO, Florida (AP) — Sa tuwina, nangunguna ang Golden State Warriors sa NBA sa aspeto ng opensa. Ngayon, isama na rin ang lupit sa assists sa marka ng defending champion.

Naitala ng Warriors ang kabuuang 46 assists -- pinakamarami ng isang koponan sa NBA ngayon season -- tungo sa 133-112 dominasyon sa Orlando Magic nitong Biyernes (Sabado sa Manila).

Nanguna si Klay Thompson sa Golden State sa naiskor na 27 puntos, habang kumana si Kevin Durant ng 25 puntos bago napatalsik sa laro bunga ng dalawang technical fouls. Hataw din si Steph Curry sa nakubrang 23 puntos.

Ngunit, ang usap-usapan ay ang naitalang 46 assists ng Warriors sa impresibong 55 field goals.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

SPURS 95, GRIZZLIES 79

Sa Memphis, Tennessee, hataw si LaMarcus Aldridge sa naiskor na 22 puntos, habang kumana si Rudy Gay ng 18 puntos sa panalo ng San Antpnio Spurs kontra Grizzlies.

Nakontrol ng San Antonio ang laro para makabaabante ng 25 puntos sa fourth quarter. Hindi nakaligtas sa kabiguan ang Memphis sa kabila ng pagkakaroon ng bagong coach sa katauhan ni J.B. Bickerstaff, pumalit sa sinibak na si coach David Fizdale nitong Lunes.

Nag-ambag si Manu Ginobili ng 11 puntos, pitong rebounds at anim na assists para sa Spurs, habang tumipa si Patty Mills ng 10 points.

Nanguna si Marc Gasol sa Memphis na may 16 puntos at 13 rebounds.

THUNDER 111, WOLVES 107

Sa Oklahoma City, ratsada si Paul George sa nakubrang 35 puntos at siyam na assists sa panalo ng Oklahoma City Thunder kontra Minnesota Timberwolves.

Kumabig si Steven Adams ng career-high 27 puntos mula sa 11-for-11 shooting, habang kumubra si Russell Westbrook ng 15 puntos, 14 assists at siyam na rebounds.

Nanguna sina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins sa Wolves sa naiskor na tig-23 puntos, habang kumana si Jimmy Butler ng 22 puntos.

WIZARDS 109, PISTONS 91

Sa Washington, ginapi ng Wizards, sa pangunguna ni Markieff Morris na kumana ng 23 puntos, ang Detroit Pistons.

Kumuba si Tomas Satoransky ng career-high 17 puntos mula sa bench para sa unang panalo ng Wizards sa home game sa nakalipa sna tatlong linggo.

Samantala, nagwagi ang Toronto Raptors sa Indiana Pacers, 120-115; giniba ng Miami Heat ang Charlotte Hornets, 105-100; pinaluhod ng Sacramento Kings ang Chivago Bulls, 107-106; hiniya ng Utah Jazz ang New Orleans Pelicans, 114-108.