Pansamantalang ipinatigil ng Department of Health (DoH) ang dengue vaccination program nito habang nirerebyu at nagsasagawa pa ng konsultasyon ang mga eksperto at key stakeholders nito.

May kinalaman ito sa inilabas na bagong analysis ng Sanofi Pasteur na nagsasabing may hindi magandang epekto ang dengue vaccine na ‘Dengvaxia’ kapag itinurok ito sa mga taong hindi pa dinadapuan ng naturang sakit.

Kasabay nito, tiniyak din ng DoH na committed sila na palakasin pa at lalong paigtingin ang isinasagawang surveillance at monitoring upang mapag-aralan ang programa at matiyak ang kaligtasan nito.

“The DoH assures the public that it is serious in carrying out its mandate to always guard the health and well-being of its constituents. Thus, it shall ensure that vaccines are always safe and effectice to optimize its health benefits,” ani Health Secretary Francisco Duque III.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon sa DoH, umaabot sa average na 200,000 ang kaso ng dengue na naitatala kada taon kaya mahalagang magkaroon ng bakuna para labanan ito.

Tiniyak din naman ng DoH na sa kasalukuyan ay wala pa namang naitatalang malalang dengue infection sa mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Nauna rito, inamin ng Sanofi Pasteur na lumitaw sa kanilang huling analysis sa Dengvaxia na makatutulong ito sa mga taong dati nang tinamaan ng dengue ngunit maaari namang magdulot ng mas malubhang sakit kung ituturok sa mga taong hindi pa tinamaan ng dengue.

Taong 2016 nang ilunsad ng DoH ang dengue vaccination initiative sa tatlong highly endemic regions sa bansa na kinabibilangan ng Regions III, IV-A at National Capital Region (NCR), para sa mga estudyante sa public schools na edad na siyam. - Mary Ann Santiago