KINUKUROT pa rin ng anak ni Reese Witherspoon ang sarili pagkatapos ng kanyang high society debut sa Le Bal Des Debutantes sa Paris, France.

Buong gabing sumayaw si Ava Phillippe, 18, sa fairytale ball, na naging isa sa world’s most exclusive parties for young women, suot ang gold haute couture Giambattista Valli gown.

Ava at Reese
Ava at Reese
Ipinakilala siya sa high society bash sa The Peninsula Paris nitong Nobyembre 25 kasama ang kanyang escort, ang 19-anyos na si Maharaja Padmanabh Singh ng Jaipur, at bagamat ilang araw na ang lumipas ay tila nananaginip pa rin siya.

Nag-post sa social media nitong Miyerkules para ibahagi ang nakakalulang karanasan bilang belle of the ball, aniya: “Wow! I am so thrilled to have had the opportunity to meet so many beautiful, kind, supportive, and passionate young women (and men!) at Le Bal.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Last week felt like a dream, and I am so grateful to have so many beautiful memories from this adventure,” pagpapatuloy niya. “Thank you to all involved!”

Humingi ng paumanhin si Ava na hindi kaagad siya nakapag-post, idinagdag na, “I know this post is super late but I am recovering from some major jetlag/getting back to school!”

Sinamahan ng proud mum na si Reese Witherspoon ang anak sa Paris party at ipinakilala si Ava sa high society sa prestihiyosong debutante ball.

Ang teenager, na ang ama ay ang aktor na si Ryan Phillippe, ay kabilang sa guests of honour sa invitation-only event para sa aristocratic o celebrity families.

Kabilang ang anak ng komedyanteng si Steve Harvey na si Lori, sa debutantes sa gala, na dating dinaluhan din ng mga anak na babae nina Bruce Willis, Forest Whitaker, Sylvester Stallone, Clint Eastwood, at Annette Bening at Warren Beatty. - Cover Media