Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista laban sa matinding trapiko sa ilang bahagi ng Caloocan City dahil sa pagsasara ng ilang kalsada malapit sa Bonifacio Monument Circle ngayong Huwebes.

Sinabi ni Jojo Garcia, MMDA assistant general manager for planning, na simula 10:00 ng gabi ng Miyerkules ay sarado na ang Balintawak papuntang McArthur, at mananatiling sarado hanggang 10:00 ng umaga ngayong Huwebes, Bonifacio Day.

Ang apektadong lansangan ay bahagyang bubuksan simula 10:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon at muling isasara ng 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.

Ayon kay Garcia, ang road closure ay upang bigyang-daan ang selebrasyon ng ika-154 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio na idaraos ng pamahalaang lungsod ng Caloocan at ng National Historical Institute.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong kalsada malapit sa nabanggit na lugar.

Kaugnay ng okasyon, binawi ng MMDA ang number coding scheme sa buong Metro Manila. - Anna Liza Villas-Alavaren