IGINIIT ni Deputy Chef de Mission at Philippine Squash Association president Robert Bachmann na ipaglalaban niya ang sports na squash na mapasama sa sports calendar sa 2019 hosting ng bansa sa SEAG games.

“Over my dead body,” pahayag ni Bachmann patungkol sa paglahok ng squash sa biennial meet. “Ipaglalaban ko na makasama ang squash sa 2019 SEAG.”

Ayon kay Bachmann, puspusan na umano ang paghahanda ng kanilang asosasyon para sa nasabing kompetisyon kung saan sapat din umano ang suporta na nakukuha nila mula sa Philippine Sports Commission (PSC).

“We got the proper allowances and proper support from PSC. So definitely we are on for 2019 SEAG,” ani Bachmann, kasabay ng pag kuwento niya na kabilang sa paghahanda ang pagpapatayo ng mga squash center para magamit sa nasabing hosting ng bansa.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“There are squash centers na ipapagawa of course with the help of PSC at may ilan din na tutulong, but we still cannot reveal who we are partnering with, but definitely, it’s a part of SEAG preparation,” kuwento pa ni Bachmann.

Ang squah team ay nag-ambag ng 2 silvers at 2 bronze noong nakaraang SEAG at siniguro ni Bachmann na dahil sa suportang nakukuha, na hindi malayong madagdagan ang mga nasabing medalya ngayong darating na biennial meet.

Gayunman, hindi naman tiniyak ni Bachmann kung makakasali sila sa darating na ASIAN Games sa 2018. - Annie Abad