Ni NORA CALDERON

ILANG beses nang nagpunta sa Pilipinas si Andy Ryu, kilala ng Korean culture fans bilang si Ryu Sang Wook at napanood sa epic loreanovela na Queen Seondeok na ginawa noong 2009.

Sa Cebu siya nagpunta at naaalala na sumakay siya sa zipline at nagtungo rin sa napakagandang falls na hindi niya matandaan kung anong lugar.

ANDY AT HEART
ANDY AT HEART
Dumating sa bansa si Andy last Thursday evening at nag-taping na agad ng My Korean Jagiya, bilang bagong ka-love triangle nina Heart Evangelista as Gia at Alexander Lee as Jun Ho.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Gagampanan ni Andy ang role ni Goon Woo. Sa story, si Goon Woo ang Korean actor na nakasalo ng lahat ng projects na naiwan ni Jun Ho nang umalis sa Korea at pumunta ng Pilipinas. Napunta siya ng Pilipinas para i-shoot ang pelikulang Bus To Busan.

Nagdalawang-isip si Andy na tanggapin ang offer ng GMA Network pero naisip niyang chance na niyang magpasalamat sa Filipino fans niya at nagustuhan din niya ang role na ibinigay sa kanya. 

Bago siya nagtungo rito ay nag-research siya sa Internet kung sino si Heart Evangelista na nalaman niyang isa sa top actresses natin.

Problema nga lang ni Andy, unlike Alexander hindi siya marunong mag-English kaya nang tanungin siya kung sakaling may offer ang GMA na TV contract, tatanggapin ba niya, tulad ni Xander? Yes daw, pero kailangan muna niyang matutong mag-English. Pero siguro raw tatapusin muna niya ang project na ginagawa niya sa Korea at babalik na lamang siya uli. Kasama ni Andy ang interpreter niya sa taping at sa pocket interview sa kanya.

Kilala niya si Alexander Lee as dating member ng boy band sa Korea.  Kilala rin niya si Rain na nakasama niya sa military service at si Song Jung Ki ng Descendants of the Sun na nakasama naman niya sa acting academy bago siya pumasok sa showbiz.

Hindi naging mahirap para sa GMA-7 ang pagkuha kay Andy at ang pagtanggap nito sa offer dahil magkaibigan ang manager niya at ang manager ni Xander. Biniro ng reporters ang 32-year old actor na mukhang 23 years old lang, at sumagot na siguro raw dahil sa diet niya at sa beauty products na ginagamit sa mukha niya. Maaari rin daw na namana niya ang beautiful skin ng mommy niya. 

May dalawang kapatid si Andy, a younger brother na nagtatrabaho sa Korea at a younger sister na nagtatrabaho naman sa Guam. May girlfriend din siyang artista sa Korea, si Kim Hye Jing na napanood na rito sa K-Drama na Iris.

Medyo nahihirapang makipageksena kay Andy si Heart dahil sa language barrier. Nagmi-memorize siya ng Korean dialogues pero after ng take, hindi na niya memoryado, pero natututo na tuloy siyang magsalita ng Korean language. 

Hindi pa niya masyadong kilala si Andy, pero may bonding na sina Xander at Andy na nagkukuwentuhan kasabay ng pagkain ng halo-halo na pareho nang naging paborito ng dalawa pati na ang sinigang at adobo.

Ang napansin ni Heart, parehong hardworking ang dalawa. Ipakikilala na niya si Andy sa husband niyang si Sen. Chiz Escudero sa bahay nila.