olfu copy

NAKATUON ang programa ng Our Lady of Fatima University sa pagpapalakas ng plataporma na naaayon sa kaisipan at napapanahong hilig sa paglalakbay ng mga millennial.

Sa isinagawang 3rd CHIM International Conference na may temang ASENTHEx (Tourism and Hospitality Experience): Rising Millennial Travel – bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng OLFU – kamakailan sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel, nagkakaisa ang mga panauhin at international speakers sa pangangailangan na maging kompetitibo sa naturang aspeto.

“The world has evolved so much that experiences happen earlier on than during our time. Because of the advent of change, including the mindset, millennials now are more exploratory and it is time that we adjust to the way they think with, of course, the right parameters,” pahayag ni OLFU University President, Dr. Caroline Enriquez.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa panahon na mas pinaigting ang ugnayan ng mga bansa sa rehiyon, inaasahang mas tataas ang bilang ng mga turistang local at international kung kaya’t napapanahon na makasabay sa takbo ng panahon ang bansa, gayundin ang pagbuo ng kongretong programa ang pamahalaan partikular sa aspeto ng komunikasyon, transportasyon at internet connection.

Iginiit ni Bobby R. Horrigan, General Manager ng Acacia Hotel Manila na mas prioridad ng mga ‘millennial travelers’ ang libreng wifi kesya sa lobreng almusal sa kanilang accommodation booking.

Sinabi naman ni Automotive journalist at celebrity social influencer na si James Deakin sa panel discussion na malaki ang papel na ginagampanan ng sektor ng transportasyon sa paglago ng turismo sa bansa.

“If we declare a war on traffic and use technology as our weapons, we would go a long way in solving traffic,” pahayag ni Deakin.

Bilang isang progresibong unibersidad, bukas ang OLFU sa anumang pagbabago at handang maglaan ng mga programa para sa kaunlaran ng mga estudyante.

“We highlighted millennial travelers because there is a huge need for us to talk about this. Knowing that the prescribed curriculum would not cover this topic in depth, we supplemented it with this international conference, getting inputs from international and local experts, as we have a status to maintain. We are a CHED center of excellence so we should always go beyond what other universities are doing,” sambit ni College Dean, Dr. Ignacio Cordova, Jr.