Patay ang umano’y kilabot na riding-in-tandem makaraang biktimahin ang 28-anyos na saleslady at makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis sa Quezon City, iniulat ng pulisya kahapon.

Base sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, dakong 11:00 ng gabi nitong Sabado nang biktimahin ng kilabot na riding-in-tandem si Luzviminda Tanawan, ng Quirino Highway, Barangay Gulod, Novaliches

Lumitaw sa umbestigasyon ni PO3 George Caculba, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na pauwi na si Tanawan at naglalakad sa may Quirino Highway nang biglang hablutin ng tandem ang kanyang shoulder bag.

Kaagad namang nakahingi ng tulong ang biktima sa nagpapatrulyang mobile car ng QCPD PS4, at tinugis ang mga holdaper sa Quirino Highway hanggang sa makorner sa Dela Cruz Street sa Bgy. San Bartolome.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ngunit sa halip na sumuko ay nakipagbarilan umano ang mga suspek hanggang sa mapatay, at nabawi sa mga ito ang bag ni Tanawan. - Jun Fabon