Ni Ali G. Macabalang

AMPATUAN, Maguindanao – Tiniyak ng matataas na opisyal ng militar sa Central Mindanao ang tulong sa pagtugis sa mga pangunahing suspek sa pagmasaker sa 59 katao noong 2009 sa bayang ito na nananatiling nagtatago sa kuta ng extremist armed groups sa probinsiya.

“With or without (extra power under) the existing Martial Law (in Mindanao), we will help enforce warrants or arrest against suspects remaining at large,” pahayag ni Maj. Gen. Arnel dela Vega, pinuno ng Maguindanao-based na Army’s 6th Infantry Division, sa mga reporter habang ginugunita ang 8th year anniversary sa massacre site nitong Huwebes.

Nagsalita habang humihikbi sa anniversary reckoning rite, ang mga anak ng mga namatay sa massacre, lalo na ng pinatay na 32 media people, ay nagsalitan sa pakikiusap sa militar na gamitin ang kapangyarihang ibinibigay ng Martial Law upang arestuhin ang mga pangunahing suspek na bagamat tinukoy nang kasangkot ay nananatili pa ring malaya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ang tinutukoy nila ay ang apat na miyembro ng Ampatuan political family, kabilang si Bahnarin, apo ng patriarch at former governor na si Andal Sr. Si Bahnarin ay nakikitang gumagala paminsan-minsan na napapaligiran ng heavily armed followers, reklamo nila, ayon sa mga ipinararating na ulat ng mga nagmamalasakit na taganayon.

Sinang-ayunan ito ni incumbent Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu, na nawalan ng asawa at dalawang kapatid at dalawa pang kamag-anak sa pamamaslang, at sinabing nakakatanggap siya ng intelligence reports na si Bahnarin ay nagtatago sa kuta ng mararahas na extremist guerillas sa kanayunan ng Datu Unsay, Mamasapano at Ampatuan.

Mayroong 196 na akusado sa massacre, pero 102 lamang ang naikulong habang naghihintay ng paglilitis. Sa mga nakakulong ay apat na ang namatay, kabilang ang patriarch na si Andal Ampatuan, Sr.

Sa kasalukuyan, 113 na ang naisakdal, samantalang tatlo ang tinanggal sa listahan ng mga akusado nang maging state witnesses, ayon sa records ng prosecution.