Ni: Marivic Awitan

Laro Ngayon

(FIl-Oil Flying V Center)

3:00 n.h. -- Mapua vs LSGH (jrs)

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

MAPANTAYAN ang San Beda College bilang most winningest juniors NCAA squad ang target ng Mapua sa pakikipagtuos sa St. Benilde-La Salle Greenhills na naghahangad naman ng unang kampeonato sa pagpalo ng ‘winner-take-all’ Game 3 ng NCAA Season 93 basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Nakauna ang Junior Blazers sa series opener, 74-68, noong nakaraang linggo ngunit nakabawi ang Red Cubs sa Game 2, 91-81, nitong Martes upang maitakda ang Game 3 ngayong 3:00 ng hapon.

“We are determined to win everything in Game 3 and we will give it our best to bring the title back to Mapua,” pahayag ni Mapua coach Randy Alcantara.

Target ng Mapua na dugtungan ang nakaraang kampeonato na tumapos ng kanilang 16-year title drought noong isang taon matapos talunin ang league’s most-decorated team San Beda na may 22 juniors title.

“It’s going to be who wants it most. No more x’s and o’s. Mas maganda dahil kumpleto na lahat, “ ayon pa kay Alcantara, tinutukoy ang pagbabalik ng nasuspindeng si Inand Fornilos sa panig ng Junior Blazers.

Hangad ng Red Cubs na may siyam na manlalarong nakatakdang magtapos ang playing years na mabigyan ang mga ito ng magandang send-off.